74

Sep 15, 2021 @ 15:39
By

Iwas siksikan! Filing ng COC sa hotel gagawin

Gagamitin umano ng Commission on Elections (Comelec) ang isang tent sa Sofitel sa Pasay para maging venue ng filing ng certificate of candidacy (COC) para sa national positions.

Ayon kay Comelec executive director Bartolome Sinocruz Jr., ito ay para masiguro ang sapat na espasyo at maobserba ang health protocols.

“The filing of the certificates of candidacy for national positions will be at Sofitel, at one of its tents,” ani Sinocruz.

“The doors will be open, there will be ventilation. That’s really a big space to be divided into the venue for filing for president, vice president, and senators and party-list (organizations),” dagdag pa niya.

Sa mga nakaraang eleksyon, ang filing ng COC para sa mga national position ay ginaganap sa headquarters ng Comelec sa Intramuros.

Para naman sa mga local position, sinabi ni Sinocruz na inaasa nila sa mga local Comelec official ang posibilidad na magbago rin ng venue kung saan maiiwasan ang siksikan.

Ang filing ng COC ay mula Oktubre 1 hanggang 8.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?