350

Aug 19, 2021 @ 17:25
By

Iwas sa BIR? YouTube ng JaMill burado

Binura na ng social media sensation at couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ang kanilang YouTube channel.

Nagtaka ang mga netizen dahil mahigit 12 milyon ang subscribers ng YouTube channel ng ‘JaMill.’

Ang ilan, hindi mapigilang isipin na problema nanaman sa relasyon ang dahilan ng pagkawala ng channel.

Ngunit ayon kay Camille, maayos ang relasyon nila ni Jayzam.

“Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-pplease lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto nalang Thankyou,” saad sa tweet ni Camille.

“JaMill is now signing off. Pero Jayzam & Camille is (infinity symbol),” dugtong pa ng vlogger.

Kaya naman trending topic sa Twitter ang JaMill, kung saan isang haka-haka kaya binura ng dalawa ang channel ay dahil sa memorandum ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na bubuwisan na ang mga social media influencer gaya nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?