16

Aug 10, 2021 @ 15:19
By

Iwas-punuan: Severe, critical patients lang i-admit – DOH

Bilang paraan upang maibsan ang siksikan sa mga ospital, pinaalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Martes na ang mga severe at critical cases lamang ng COVID-19 ang dapat i-admit sa mga pagamutan.

Ani Vergeire, ang mga asymptomatic at mild cases ay dapat italaga sa mga Level 1 health care facility, o mga temporary treatment at monitoring facility.

“Ang ginagawa nating paghahanda talaga is to expand more beds para po tayo ay magkaroon ng pag-accommodate sa mga pasyenteng nangangailangan. We need to be able to navigate patients. ‘Yun po ang kritikal sa atin ngayon,” pahayag ni Vergeire sa panayam ng Unang Balita.

“Nakikita pa rin natin ‘yung ating mga ospital na nag-a-admit pa rin ng asymptomatic at saka mild patient,” aniya.

Nito raw Marso ang nadiskubre ng ahensya na 50% ng mga COVID patient sa mga pagamutan ay mga asymptomatic o mild cases.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?