77

Mar 12, 2020 @ 12:32
By

Iwas mahawaan ng coronavirus: Chris Paul sinigawan ng mga Jazz player

Para maprotektahan si Oklahoma City star Chris Paul, kinailangan siyang itaboy ng mga player ng Utah Jazz.

Sa laban sana ng Oklahoma City Thunder at Utah, nagkaroon ng mahabang delay na nauwi din sa pagkansela ng laro dahil sa kalagayan ng Jazz center na si Rudy Gobert.

Palapit na si Paul sa bench ng Utah, nang bigla siyang sigawan ng mga player ng Utah na huwag lumapit sa kanila.

Nilinaw naman ni Royce Young, ESPN writer, na wala naman sa venue si Gobert sa laban sa OKC, ngunit nandoon siya sa Oklahoma dahil kung walang virus ay paglalaruin ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?