79

Mar 1, 2020 @ 17:25
By

Iwas-gadget muna sa Kuwaresma – CBCP

Unahin ang pakikinig at pakikipag-usap sa Panginoon kaysa pagtutok sa cellphone at ibang gadget sa Lenten season.

Ito ang mungkahi ni CBCP Episcopal Commission on Social Communication Chairman and Boac Bishop Marcelino Maralit Jr. sa mga deboto ngayong nalalapit na ang Mahal na Araw.

“If we have cellphones or anything that distracted by other things we will never get that silence necessary for us to be able to listen to God,” hayag ni Maralit sa isang radio interview.

“I would like to invite everybody, especially during this Lenten season, to find the ability to put aside your phones for at least two hours a day,” wika pa nito.

Maaari aniyang manalangin, magbasa ng bibliya o magrosaryo habang naka-offline sa internet at social media.

Binanggit ng obispo na nanguna ang Pilipinas sa listahan ng mga adik sa social media.

Katulad ang kanyang payo sa bilin ni Pope Francis noong Miyerkoles ng Abo: na mag-disconnect muna sa mga telebisyon at smartphone, at kumonekta sa Ebanghelyo sa parating na Kuwaresma 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?