43

Sep 9, 2021 @ 15:38
By

Iwa sinuka mga basher ni Lacson

Nanawagan si Iwa Moto sa kanyang mga basher na ‘wag makialam sa opinyon niya kay presidential candidate Senator Panfilo Lacson.

Si Iwa, bilang partner ng anak ng senador na si Pampi, ay natural na kakampi sa kandidatura ni Lacson sa 2022.

Ngunit dahil dito ay binanatan siya ng mga netizen na hindi sumusuporta kay Lacson.

Kaya’t sa isa niyang IG story, sinabihan ni Iwa ang mga basher ni Lacson na galangin na lamang ang opinyon niya.

“This is my opinion! Kanya kanya tayo ng opinyon. Pero pwede ba wag dito sa IG ko kayo magsabi ng opinyon nyo. Dun kayo sa IG nyo!” saad sa story ni Iwa.

“Do not silence me! Kasi di ko ginagawa yan sainyo. Kuda ng kuda sa account ng ibang tao. Dun kayo sa account nyo!!!” dagdag pa ng aktres.

Sa isa pang IG story ay inilahad ni Iwa ang mga dahilan kung bakit siya pro-Lacson, kung saan isa na nga sa mga dahilan ay dahil kapamilya niya na ito.

May dalawa na rin silang anak ni Pampi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?