69
ABANTE IWA MOTO JODI STA MARIA THIRDY
By

Iwa Moto puring-puri ni Jodie dahil sa anak na si Thirdy

Sharing is caring!

Ikakatuwa ni Iwa Moto ang pinakahuling statement ni Jodi Sta.Maria kung saan tinawag na “friend” nang huli ang dating Kapuso actress.

Hindi nagdalawang isip si Jodi na magbigay nang comment tungkol sa kanila ni Iwa sa presscon nang lalabas na bagong serye ni Jodi sa

Kapamilya network ngayong January 29, ang “Sana Dalawa Ang Puso” na pagbibidahan nina Richard Yap at Robin Padilla.

Parang tubig na tuluy-tuloy na naglahad nang kanyang nararamdamang kasiyahan si Jodi sa magandang samahan nila ngayon ni Iwa.

Pinuri ni Jodi si Iwa sa magagandang qualities nito at sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanyang anak na si Thirdy.

Si Thirdy ay anak ni Jodi sa ex-husbang nyang si Pampi Lacson, na ngayon ay live-in partner ni Iwa at daddy nang daughter nila.

Nagpapasalamat si Jodi dahil itinuturing raw ni Jodi na hindi iba si Thirdy, kaya naman napapanatag ang loob nang aktres sa tuwing nakakasama nang anak nya si Iwa.

Isa raw sa pinamagandang kaganapan sa buhay nya ang samahan nila ni Iwa na itinuturing niyang “friend”.

Base sa kuwento ni Jodi, nagsimula ang maganda nilang relasyon ni Iwa nang batiin niya ito at kumustahan sa pagsisilang nito ng kanilang sanggol.

Mula raw noon ay nagtuluy-tuloy na ang kaniang communication at lagi na silang nagkakausap ni Iwa kapag may pagkakataon.

Sa magagandang description ni Jodi kay Iwai walang dudang talagang maganda ang trato ng huli kay Thirdy.

Ang isa sa pinaka-importante sa buhay ni Jodi ay ang kanyang anak at kapakanan nito.

Anyways, hindi naman katakatakang magkaroon ng maayos na buhay si Jodi, personal man o career dahil punung-puno nang positive views ang tingin nya sa lahat. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?