28

Jan 22, 2021 @ 20:04
By

Iwa Moto: May bago ng Lacson!

Nanganak na ang dating aktres na si Aileen Iwamoto o mas kilala bilang ‘Iwa Moto.’

Sa kanyang Instagram post, makikita ang bagong silang na baby boy nito kasama ang partner niyang si Panfilo “Pampi” Lacson Jr.

“Lo and behold, here comes the newest addition to our growing family. Our new bundle of joy — our little boy who will be filling our hearts and lives with love and happiness from this day forward!” saad niya sa caption ng kanyang post.

Aniya, itinuturing niyang “beautiful blessing” ang kanyang anak.

“My heart is overflowing with love and joy the first time I held you in my arms. Our son, baby CJ, yours, and Ate Mimi’s first day in life are the best days of mine! I could not explain the outpouring happiness that I am feeling right now,” saad niya.

“I am so blessed to have you, Ate Mimi, Kuya Muy, and Daddy Pampi and I could not ask for more!” dagdag pa nito.

Aniya, hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis. Sa katunayan, hindi pa umano nakatakdang lumabas si Baby CJ kahapon ngunit tila excited na yata itong makita ang mundo.

“My pregnancy wasn’t easy — in fact, it is still not time for him to come out just yet, but I guess baby CJ is so excited to see and conquer the outside world. Such a warrior just like me, isn’t he?” aniya.

Nobyembre ng nakaraang taon nang kumpirmahain nina Pampi at Iwa na lalaki ang kanilang magiging anak.

Ani Moto, itinuturing niya ring anak si Thirdy na anak ng aktres na si Jodi Sta. Maria kay Pampi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?