159

By

Iverson wasak, heartbroken sa pagpanaw ni Kobe

Maraming pinagsamahan sa court si Allen Iverson at Kobe Bryant.

Kilalang parehong fierce competitor ng 1996 NBA Draft class, na ayon kay Iverson ay isa sa pinakamalalim na pool ng NBA player na pinangunahan nilang dalawa.

Kaya naman hindi makapaniwala si Iverson sa sinapit ng tinuturing nitong competitor, kaibigan at kapatid.

“Words cannot express how I’m feeling today. The only 2 words that ring in my head — devastated and heartbroken. I cannot seem to shake this feeling no matter what I’ve tried to do since hearing this yesterday,” ayon kay AI sa kanyang Instagram post.

Inalala din ni Iverson kung gaano kapursigido si Bryant pagdating sa basketball.

Rookie season umano nila ay tinanong siya ni Kobe kung anong gagawin niya.

“I’m going to the club, what are you going to do?” tugon ni Iverson.

“I’m going to the gym,” pakli naman ni Kobe, hindi tumitigil sa pag-eensayo para marating ang rurok ng tagumpay, five-time NBA champion at 18-time All-Star.

“That is who he always was, a true student of the game of basketball and also the game of life. He prepared relentlessly. There is something we can all learn from the “Mamba” mentality and from the way my brother lived his life,” saad ni Iverson.

Inamin din ni Iverson na hindi siya okay ngayong wala na si Bryant, ngunit mananatiling matatag dahil alam niyang ito ang gusto ni ‘Black Mamba’.

“We are not okay. But we will find the strength to pull through this together because that’s what Kobe would want us to do.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?