7

Sep 27, 2020 @ 22:28
By

Iverson tinamaan kay Jackson

Tagos sa buto ang pahayag ni Stephen Jackson kay basketball legend Allen Iverson noong isang araw.

Guest nina Jackson at Matt Barnes sa All the Smoke podcast si AI, binahagi ang naging buhay niya sa basketball.

Si Iverson ang itinuturing na pinakamatinding 6-footer sa NBA. Marami siyang naimpluwensiyahan.

“The way I dress right now is because of you, the tattoos and everything,” pag-amin ni Jackson. “You gave a lot of people confidence when they didn’t have confidence in themselves.”

Halatang dinibdib ni Iverson ang narinig.

“You know why I’m telling you? You know why I’m giving you flowers?” dagdag ni Jackson. “Because you mean a lot to us. We can’t lose you, we just lost Kobe (Bryant), we can’t lose you. We’ll give you all the flowers in the world right now.”

Top pick ng 76ers si Iverson noong 1996, 13th si Kobe ng Charlotte pero pinamigay agad sa Lakers.

Rookie of the Year si AI, naging MVP noong 2001, four-time scoring champion at three-time steals leader. Naluklok siya sa Hall of Fame noong 2016, limang taon matapos mag-retire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?