16

Sep 26, 2020 @ 21:27
By

Iverson sinusulsulan si Giannis

PARA kay NBA legend Allen Iverson, swak si Milwaukee Bucks star player Giannis Antetokounmpo para sa dating champion team na Golden State Warriors.

Sinabi mismo ni ‘AI’ sa “All The Smoke” podcast na natipuhan nito ang laro ng Greek Freak at magiging maganda ang basketball career nito kung sasabak sa Bay Area-squad kasama sina Klay Thompson at Stephen Curry.

“I want him to go to Golden State, man,” pahayag ni Iverson.

“That’s where I want him to go. I would love him to go there. That’s where I want him to go.”

Matatandaang inamin ni 25-anyos cager Giannis noon na isa sa iniidolo niyang basketbolista si Iverson kaya naman posibleng dinggin nito ang hiling ng kanyang idol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?