275
iverson
Apr 25, 2018 @ 19:08
By

Iverson: Kobe dapat kasama sa GOAT

Hindi makapaniwala si Hall of Famer at Philadelphia 76ers star Allen Iverson na nawawala ang pangalan ni Kobe Bryant sa equation ng debatehan kung sino ang GOAT (greatest of all time) sa NBA.

Si LeBron James na ang kadalasang naikukumpara kay Michael Jordan, 20 taon matapos magretiro ay walang dudang sukatan pa rin ng mga bagong astig.

Dati ay nababanggit pa ang pangalan ni Kobe kasama ni LeBron. Pero sapul nang mag-retiro ang dating Los Angeles Lakers superstar, ang pambato ng Cleveland na ang nauuna sa pagkukumpara kay Jordan.

Saludo rin si AI kay LeBron, pero hindi niya raw maintindihan kung bakit hindi nababanggit si Kobe.

“When they talk about comparing him to Michael, I don’t understand how they don’t have the debate when it comes to Kobe,” pahayag ni Iverson sa The Unguarded. “Like, I don’t get it. I mean, you forgot or something? They forgot? I really think they forgot the Mamba, man. Certified serial killer, man.”

Pare-parehong nakalaro ni Iverson ang tatlo. Nakipag-faceoff siya kay Kobe noong 2001 NBA Finals, inabot ang huling ilang seasons ni Jordan sa Chicago, at nakaliskisan si LeBron noong unang mga taon sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?