90

Jun 7, 2018 @ 19:55
By

Iverson ayaw nang mag-coach

Papalitan ni WNBA head coach Michael Cooper ang former veteran basketball player at coach na si Allen Iverson.

Conflict sa iskedyul ang rason ni Iverson sa pagliban ng kanyang posisyon bilang head mentor ng 3’s Company.

Inanunsyo ni Iverson ang balita sa isang Instagram post.

Wala namang kaso sa pamunuan ng 3’s Company dahil patuloy pa rin ang suporta nila kay Iverson.

Si Iverson ang pinakasikat na basketball star na naging parte ng Ice Cube’s 3-on-3 league na former NBA player sa huling season bilang playing coach.

Kalaunan ay nilaglag ng 2001 NBA MVP ang posisyon ng shooting guard at nagdesisyon na magpokus lamang sa coaching.

Samantala, ang bagong head coach na si Cooper ay natandaang nagwagi ng limang kampeonato bilang player sa Los Angeles Lakers. Komolekta rin si Cooper ng mga titulo bilang coach sa WNBA at NBA Development League. (ALG)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?