20

Oct 13, 2021 @ 17:38
By

Ivermectin tetestingin ng DOST

Ilalarga umano ng Department of Science and Technology (DOST) sa Oktubre 15 ang clinical trials ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga asymptomatic at mild COVID patients sa bansa.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato “Boy” T. de la Peña, ang pag-aaral sa bisa ng naturang gamot ay tatagal ng walong buwan.

“October 15 pa ang start ng Ivermectin [clinical trials],” pahayag ni de la Peña sa ulat ng Manila Bulletin.

Ang pag-aaral ay may pamagat na “Double-Blind, Placebo-Controlled, Randomized Controlled Trial to Assess the Efficacy, Safety, and Effect on Viral Clearance of Ivermectin in Asymptomatic and Non-Severe COVID-19 Patients Confined in Isolation Facilities.”

Mga COVID patient edad 18-pataas mula sa iba’t-ibang isolation facility ang sakop ng pag-aaral.

Sa kabuuan ay 1,464 asymptomatic at mild COVID patients ang susubukan sa Ivermectin.

Pinaglaanan din nito ng budget na P22 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?