336

Mar 15, 2021 @ 18:31
By

Ivana, tindero nagkaiyakan sa kalsada

Kakaibang prank ang ginawa ni Ivana Alawi sa kanyang latest vlog.

Sa kanyang March 14 vlog, nagpanggap siyang taong grasa at naglibot sa iba’t ibang lugar upang mamigay ng pera at pagkain.

Kunyari ay stranded siya sa Maynila at nanlilimos upang makauwi sa Baguio.

Kada pisong limos na binibigay sa kanya ay tinutumbasan niya ng reward na P1,000.

Napahagulgol si Ivana sa huling na-“prank” niya na isang kakanin vendor na si Joselito Martinez.

Sobra kasing na-touch si Ivana sa mabuting pagkatao ng tinawag niyang “tatay” kaya binigyan niya ito ng P20,000.

Naiyak din ang tindero sa binigay na malaking halaga ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?