305

Feb 22, 2020 @ 17:22
By

Ivana tinawag na ‘loser’ ni Vice

Excited na ang mga netizen sa pagsalang ng sikat na celebrity YouTuber na si Ivana Alawi sa “Gandang Gabi Vice” sa Linggo, Pebrero 23.

Sa Instagram ng GGV, may patikim na video rito ng pag-guest ni Ivana kung saan inasar siya ni Vice.

Magugunitang isa nang Kapamily si Ivan matapos niyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN noong February 7.

Sa teaser ng February 23 episode, tinawag ni Vice si Ivana na “loser” dahil sa ganda, seksi at yaman nito ay wala itong boyfriend.

“Ang ganda, mayaman, sexy. Walang jowa! Loser!” sabi ni Vice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?