195

Dec 6, 2021 @ 22:02
By

Ivana reyna pa rin sa YouTube

Pinakapaborito pa ring YouTuber sa Pilipinas ang aktres na si Ivana Alawi.

Siya ang No. 1 na YouTube content creator sa bansa ngayong 2021, ayon sa Google Philippines.

Pumasok din sa listahan ang utol niyang si Hash na nasa 9th spot.

Nakapagpundar na si Ivana ng 14.4 milyong subscribers buhat nang magbukas siya ng YT channel taong 2019.

Nakaraang taon siya rin ang naging top vlogger sa bansa.

Ilan pang top YouTuber ngayong taon sina Zeinab Harake, Alex Gonzaga, Toni Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Vice Ganda, Skusta Clee, Mika Salamanca at Cong TV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: