55

Mar 30, 2021 @ 15:56
By

Ivana pinangarap maging yaya

Nilantad ni Ivana Alawi kay Toni Gonzaga kung ano ang kanyang “original dream” noong bata pa siya.

Natawa muna si Ivana at sinabi kay Toni, sa vlog ng huli, “Baka ma-shock ka.”

“Kasi first dream ko talaga ever since I was young, alam ng mama ko ‘yun, sabi ko, ‘Gusto ko maging yaya’,” sey ni Alawi sa kapwa YouTuber-aktres.

“[Kasi] lagi nating kasama. Ang saya, naglilinis, ta’s marami kang family, kasi parang family kami eh,” paliwanag niya pa.

Tapos kalaunan ay ginusto na aniya niyang maging dancer, pero “na-realize ko, wala akong talent sa sayaw” kaya nag-move on na siya sa next dream niya: ang maging artista.

“If something doesn’t work for you, kailangan mo maghanap ng next goal mo, na parang, ‘Dito na lang ako magfo-focus.’ ‘Di mo naman pwede ipagpilit, ‘di ba?” tsika pa ni Ivana kay Toni.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?