67

Nov 17, 2020 @ 19:58
By

Ivana namigay ng tulong sa Cagayan

Bumisita sa Cagayan nitong Martes si actress-vlogger Ivana Alawi para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Personal na hinatid ni Ivana ang kanyang mga donasyong relief goods sa Tuguegarao City.

Matapos ay nag-courtesy call siya kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, ayon sa Facebook post ng Cagayan Provincial Information Office.

https://www.facebook.com/cagayanPIO/posts/1795253450656001

Kasalukuyang nakasailalim sa state of calamity ang Cagayan matapos malubog sa baha. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?