209

Jan 26, 2021 @ 15:37
By

Ivana namigay ng helmet, P10K sa mga delivery rider

Sinorpresa ni actress Ivana Alawi ang mga delivery rider sa kanyang bagong YouTube vlog.

Sey ni Ivana, naisip niyang pasayahin ang mga delivery rider matapos malaman na ilan sa mga ito ay nabibiktima ng bogus buyer.

“Palagi kasi akong umoorder ng pagkain sa mga delivery, tapos ‘di ba kahit nung pandemic, sila talaga ‘yung bumabiyahe, so I think it’s time to give back,” ani Ivana sa Jan. 25 vlog.

“‘Yung reason talaga kung bakit ko ‘to ginagawa is because marami akong nakikita na scammer na mga tao na akala nila nakakatawa na pagtripan nila ang mga driver na nagpapakahirap magtrabaho,” dagdag niya.

Patuloy niya, “Maraming way na maglokohan kayo pero huwag mong pagtripan ang isang tao na nagtatrabaho nang marangal. Kaya ako, I’ll try to help in my own small way.”

Binigyan niya ang walong delivery rider ng tig-isang full-face helmet at P10,000 cash.

Panoorin ang buong video sa ibaba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?