672

Mar 20, 2021 @ 20:28
By

Ivana naging waitress sa Bahrain

Nilantad ng vlogger na si Ivana Alawi ang karanasan niya bilang waitress bago sumikat.

Sinabi ni Ivana na naglilinis siya noon ng mga lamesa sa isang restaurant sa Bahrain na pag-aari ng namayapa niyang Moroccan father na si Samier Al-Alawi.

“Pareho kaming waiter… waitress ako. Ako tagapunas dun. Kasi dati sa Bahrain meron kaming restaurant tapos ako ‘yung tagapunas. Si dad kasi may-ari nung restaurant so ginagawa niya kaming mga waiter, waitress para kumita kami ng pera parang ganun,” anang 24-year-old actress nang tanungin ng kapatid niyang si Hash sa March 18 “Who Knows Me Better” vlog.

“Tapos nahihiya akong kunin ‘yung mga order nung mga tao kasi parang sosyal,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?