77

Oct 20, 2021 @ 22:43
By

Ivana na-friendzone kay Joshua

Bukas si Joshua Garcia na maging kaibigan ang actress-vlogger na si Ivana Alawi.

Noong August ikinagulat ni Ivana nang batiin siya ni Joshua sa kanyang second anniversary bilang YouTube content creator.

Ang kapatid ni Ivana na si Mona ang nagbisto na may crush ang ate niya kay Joshua.

Nagpasalamat naman si Joshua sa papuri ni Ivana nang mapanood niya ang interview nito kay Ogie Diaz.

Hindi naman siya kaagad nakasagot nang hingan ng reaksyon tungkol sa pag-amin ni Ivana na nagdi-DM sila sa isa’t isa.

“Kapag may humahanga sa akin, nakakadagdag ng confidence ‘yun para sa lalaki.

“Siyempre thank you kasi na-appreciate ‘yung work kong ginagawa, ‘yung pag-arte. Base sa narinig ko, na-appreciate niya ‘yung acting, so thankful. Very thankful ako as an actor. Maraming salamat,” sambit ni Joshua sa ABS-CBN report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?