86

Mar 9, 2021 @ 18:34
By

Ivana may regalo sa utol, ginawang ‘yaya’ si Donnalyn Bartolome

Kinilig ang utol ni YouTube sensation Ivana Alawi na si Hash matapos nitong mapagsilbihan ng bago nilang ‘yaya’ na si Donnalyn Bartolome.

Makikita kasi ang paglitaw ng singer sa latest vlog ni Alawi at nagsilbing “yaya for a day.”

Nagulat at namula naman si Hash nang makitang biglang sumulpot ang kanyang celebrity crush kasama ang kanyang kapatid.

Ani Ivana, si Bartolome kasi ang crush ng kanyang utol.

Ani Hash, nagustohan niya si Bartolome dahil sa ganda at ugali nitong simple.

“Nagandahan ako sa’yo…Nice and down-to-earth person sa mga napapanood ko, and you seem genuine,” wika niya.

Tila aprub naman din dito si Ivana.

“I like Donnalyn, she’s nice,” sambit niya.

Kasalukuyang pumalo na sa 7.5 milyon views ang nakuha ng naturang vlog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?