85

Nov 10, 2021 @ 11:30
By

Ivana mas bet si Joshua kaysa kay Marco

Nabuking sa latest vlog ni Ivana Alawi na kung bibigyan siya ng pagkakataong maka-collab si Joshua Garcia ay hindi niya ito palalampasin.

Sa naturang vlog, kung saan kasama niya ang kapatid na si Mona, binigyan si Ivana ng listahan ng ilang personalidad kung saan tinanong siya kung gusto niya ba itong maka-collab o pass siya dito.

Nang mabanggit na ang pangalan ni Joshua, dito na napangiti si Ivana.

“Tinatanong pa ba yan? Oo, collab,” tugon ni Ivana, sabay asar ni Mona.

Ngunit nang dumating na kay Marco Gumabao, isang mabilis na ‘pass’ ang sagot ni Ivana.

Samantala, ang iba pang indibidwal na gustong game si Ivana na makasama sa vlog ay sina Bretman Rock, Paulo Avelino, Vice Ganda, Michelle Dy at sina Ranz at Niana.

Narito ang kabuuan ng vlog:


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?