17

Oct 27, 2020 @ 19:19
By

Ivana ka-join sa ‘Praybeyt Benjamin’ ni Vice

First time ay magsasama sa pelikula sina Vice Ganda at Ivana Alawi.

Ayon sa ABS-CBN Films managing director na si Olivia Lamasan sa ulat sa ABS-CBN, sobra silang excited sa pagsasama ng dalawa dahil cute din ang kuwento ng third installment ng “Praybeyt Benjamin” film series.

Kasunod iyon ng mga Christmas blockbuster na “The Unkabogable Praybeyt Benjamin” (2011) at “The Amazing Praybeyt Benjamin” (2014).

Kabilang ang “Praybeyt Benjamin 3” sa unang apat na 2020 Metro Manila Film Festival entries na inanunsyo noong July.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?