69

Aug 29, 2021 @ 21:52
By

Ivana bongga sa ikalawang taon sa YouTube

Mala-Miss Universe ang pormahan ni Ivana Alawi sa paggunita niya ng ikalawang taon ng kanyang YouTube channel.

Magarang golden gown ang sinuot ni Ivana sa simpleng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya.

“Malalaman niyo mamaya kung paano nila ako na prank, pinaiyak, pinasaya… I’m beyond blessed to have this amazing family,” saad sa IG post ni Ivana nitong Linggo.

“And we are so blessed to have 13.8 million amazing subscribers!! Salamat,” dugtong pa ng social media influencer.

Ang nasabing bilang ng subscribers ay naipon ni Ivana sa loob lamang ng dalawang taon at sa tulong ng 109 videos na bukod sa nagpapakita ng kanyang mga aktibidad ay kapupulutan pa ng aral. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?