297

Nov 28, 2021 @ 10:03
By

Ivana binansagang Pinay barbie doll

Hindi lang mga fans ni Ivana Alawi ang tumatawag sa kaniya na barbie doll ng Pilipinas kung hindi pati na rin ang mga hindi nito tagahanga.

Binansagang Pinay barbie doll ang sikat na YouTube vlogger matapos nitong magbihis na parang isang barbie sa guesting nito sa Showtime.

Ibinihagi ni Ivana sa kaniyang Instagram story ang ilang larawan at video ng kaniyang get up.

Nakasuot ng pink na dress, neon green na heels, at kulay blonde rin ang buhok nito.

Hindi naman maiwasan ng iba na tawagin itong barbie doll dahil sa pagkakahawig nito sa sikat na American fashion doll.

Si Ivana ay mayroong 14.4 milyong subscribers sa kaniyang YouTube channel. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?