62

Feb 28, 2021 @ 16:16
By

Ivana Alawi walang paawat, 11M subscriber na sa YouTube!

Nobyembre ng nakaraang taon nang umabot sa 10 milyon ang subscriber ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel. Makalipas lang ang tatlong buwan, sumampa na ito sa 11 milyon.


“Happy 11M SUBSCRIBERS YOUTUBE!! 🦋 We love you forever! -Alawi Fam” saad ng vlogger sa caption ng kanyang Instagram post.

Nakilala si Alawi dahil sa nakatutuwang content ng kanyang vlog kung saan pinakikita niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya na sina Hashim, Mona at Mommy Fatima gayundin ang kanyang pagiging kuwela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?