Nakiisa si Ivana Alawi sa marami pang celebrity na nagbigay ng oras para tumulong sa mga naapektuhan ng coronavirus crisis sa bansa.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang YouTube star at sexy actress ng pag-repack niya sa mga relief goods, kasama ang pamilya.
“Pasensya na kayo sa itsura namin. Madaling araw na kami natapos mag pack ng mga pagkain na ipapamigay namin sa mga kababayang nangangailangan ng tulong,” sabi ni Ivana.
Hinikayat din nito ang iba na tumulong, “Maliit man yan o malaki, ang importante ay tumulong tayo.
Napabilib naman niya lalo ang kanyang mga fan sa kabutihan niya at malasakit sa kapwa. (AMF)