71

Itswapera man sa Team Pilipinas, Slaughter laki pa ring pasalamat

Sharing is caring!

Isang pangalan ang inaasahan sanang maisama o ‘shoo-in’ na sa bagong bihis na Team Pilipinas, ngunit sa kinasamaang palad, hindi ito lalarga sa laban sa Iranians sa 2019 FIBA World Asian Qualifiers sa Setyembre 13, Huwebes.

Ngunit magkagayunpaman, tanggap pa rin ni Ginebra center Greg Slaughter ang pagkawala ng kanyang ngalan sa Final 12 dahil mayroon itong dahilan.

Iniinda pa kasi ng 7-footer ang ankle injury na nakuha niya pa sa laban sa PBA, namamaga pa rin at hindi pa masyadong maigalaw.

Sa Twitter ipinaabot ni Slaughter ang kanyang buong suporta para sa PH Nationals at hinikayat rin ang kababayan na humiyaw para sa mga kapatid sa Team Pilipinas. (Ray Mark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?