270
It's not worth it! Janella wala nang pake sa sorry ni Elmo
Feb 28, 2019 @ 18:57
By

It’s not worth it! Janella wala nang pake sa sorry ni Elmo

Hindi na raw mahalaga kay Janella Salvador ang paghingi ng paumanhin ng dating rumored boyfriend na si Elmo Magalona.

Ang mahalaga umano sa ngayon ay natuto raw siyang maging matatag matapos ang kontrobersiyal na pananakit umano sa kanya ni Elmo.

Sa panayam sa kanya ni entertainment reporter Allan Diones, magdadala lang ng negativity sa kanya ang umasa pa sa pagso-sorry ni Elmo na hindi naman umano mangyayari.

“What’s done is done. If you can’t get something out of someone, it’s not worth it to stress out for,” saad ni Janella.

Hindi rin daw tumupad sa pangako niya si Elmo na maglalabas ng video ng paghingi nito ng sorry sa kanya.

Kaya ang ginawa na lang umano niya ay patawarin ito.

Samantala, hanggang ngayon ay no comment pa si Elmo hinggil sa pasabog ni Janella.

Nabunyag ang isyung pananakit umano ni Elmo noong September 2018, dalawang taon makalipas pumatok ang tambalan nilang ElNella.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?