676

By

It’s a yes! Japeth nag-propose sa airport

Hindi lang pagpasok sa 2019 Fiba World Cup ang ipinagdiwang ng Ginebra forward na si Japeth Aguilar.

Matapos pataubin ang Kazakhstan, 93-75, bumalik na Team Pilipinas sa bansa at sa paglapag sa airport, isang espesyal na pangyayari ang ginawa ni Japeth.

Sa kuhang video ng isang netizen, kita kung papaano nagpropose si Japeth sa kanyang longtime girlfriend na si Cassandra Naidas.

Lumuhod si Japeth samantalang emosyonal si Cassy na sa dulo ay tinapos ito sa isang halik.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?