38

Oct 10, 2017 @ 10:35

“It’s a boy!” — Kaye Abad

LALAKE ang unang magiging anak ni Kaye Abad at ng kanyang hubby na si Paul Jake Castillo. Samantalang babae naman ang magiging unang anak nina Pauleen Luna at Pokwang.

Naka-post sa Instagram wall ni Kaye ang gender announcement ng baby niya.

Sa video makikita ang pagbukas nina Kaye at Paul ng kahon, at saka lumabas ang blue balloon na siyang official announcement na lalake ang kanilang magiging first baby.

“It’s a BOY!!!” sabi ni Kaye.

Samantala, mukhang matatag na ang kapit ng bata sa tiyan ni Pokwang dahil nagkikilos nang husto ang komedyana. Nakakapagluto na nga uli ang Kapamilya artist, nakakapirma na ng autograph para sa kanyang cookbook, at nakakapag-entertain na ito ng mga bisita. At hindi na nga siya bed rest. (REY PUMALOY)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?