30

Jun 9, 2021 @ 14:11
By

Itinuturong sangkot sa pagpatay sa Calbayog mayor, kinasuhan na

Nasampahan na ng kaso ng PNP ang apat na pulis at si Ronald Mark Aquino, anak ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino kaugnay ng pamamaril sa naturang alkalde noong Marso.

Ang mga pulis na nakasuhan ay sina Police Lt. Col. Harry Sucayre, Police Major Shyrile Tan, Police lt. Julio Armeza Jr. at Pol. Corp. Ramil Rosales.

Samantala, ang anak ng namayapang alkalde na si Ronald Mark Aquino ay kasama sa nasampahan ng two counts ng murder.

Bukod sa kanila ay may ilan pag ‘di pinangalanang indibidwal ang nasampahan din ng kaso.

Ang kasong naisampa sa pulis na si Rosales, sa anak ng alkalde at sa mga hindi pinangalanang lalaki ay kaugnay naman ng pagpatay kanila Police Staff Sgt. Romeo Laoyon at Captain Joselito Tabada.

Nauna ng itinanggi ni Ronald ang kaugnayan nito sa pagpatay sa mga pulis. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?