25
sister-fox
By

Itigil na ang panggigipit kay Sister Fox – Religious group

Sharing is caring!

Sumuporta na rin ang isa pang malaking religious group kay Sister Patricia Fox, ang Australyanong madre na nahaharap sa deportation case.

Ito ay ang Promotion of Church People’s Response na nangalampag sa tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila bitbit ang maliliit na altar bell.

Nanawagan sila na itigil na ang panggigipit kay Sister Pat na iniutos na ng BI na umalis ng bansa sa loob ng ilang linggo makaraang bawiin ng kawanihan ang kanyang missionary visa.

Una rito ay dumalo kaninang umaga si Sister Fox sa isang pagtitipon ng mga pari, madre at guro sa Colegio de San Juan De Letran sa Intramuros.

Iginiit ng mga pari at madre na hindi dapat na makaranas ng panggigipit si Sister Pat na nagmamalasakit at tumutulong lamang naman sa mga mahihirap sa Pilipinas.

Nag-alay din sila ng dasal at religious songs para kay Sister Fox para palakasin ang kanyang loob.

Nagpasalamat naman si Sister Fox sa kanyang mga tagasuporta.

Sa Biyernes ay nakatakdang magsumite si Sister Fox ng counter affidavit sa BI kaugnay ng kinakaharap niyang deportation case na nag-ugat dahil sa pagsali umano niya sa mga protesta laban sa gobyerno. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?