181
Harry-Roque
By

Itigil mo na ang drama, umuwi ka na! – Roque kay Trillanes

Pinapauwi na ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes IV mula sa siyam na araw na pananatili sa Senado para makaiwas sa posibleng pag-aresto matapos mapawalang-bisa ang amnestiya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na over-acting na ang drama ng senador dahil halos tumira na ito sa senado.

Hindi aniya makatwiran na ang taongbayan ang magbabayad sa gastos ni Trillanes sa pananatili sa senado partikular ang paggamit ng kuryente at tubig.

Binigyang-diin ni Roque na tanging ang Presidente at Bise-Presidente lamang ang may pondo sa board and loding at hindi kasama ang mga senador.

“Drama lang po yang pag-stay diyan sa senado. OA po yan. Umuwi na kayo dahil hindi naman tama na ang taongbayan ang nagbabayad ng inyong board and lodging diyan sa senado.

Tanging ang Presidente lang po ang may libreng board and lodging , and I think the Vice-President in their budget. Hindi kasama ang mga senador,” ani Roque.

Hindi rin makita ni Roque ang lohika sa ginagawang pagbabantay ng mga supporter ni Trillanes sa harap ng Senado pati na ang mga ginagawang pagmimisa, prusisyon at pag-pray over sa senador .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?