879

Jul 6, 2019 @ 18:31
By

Itatapon din? Westbrook inayawan ni George

Iniwan ni Kevin Durant, ngayon naman ay si Paul George ang lumayas sa poder ni Russell Westbrook.

Ginulat ng Los Angeles Clippers ang buong NBA matapos mapapayag ang Oklahoma City Thunder para sa under the radar trade kung saan lipat sa LA ang last year’s MVP contender na si George, habang kuha naman ng limang first round picks ang OKC, isa dito ay protected, kasama dito ang dalawang swap pick at sahog pa sina Shai Gilgeous-Alexander at Danilo Gallinari.

Ngunit bakit nga ba biglang nag-iba ang ihip ng hangin ng Oklahoma at naisipang ilipat si George, na naging maganda ang performance para sa kanila noong nakaraang taon, kahit pa ibig sabihin nito ay manganganib sa playoff contention ang koponan sa susunod na season?

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic, hindi na umano nagkasundo sina Westbrook at George, at nang biglang umentra si Leonard para i-recruit ang All-Star forward ay hindi na ito nag-atubiling mag-request ng trade.

“Rival NBA teams have been aware of the discontent of OKC’s two stars: Paul George — and Russell Westbrook. Leonard pushed the Clippers in recent days to deliver him a second star, and they did,” ayon kay Charania.

At sa pagkuha ng multiple first rounders, hindi maiwasan ng ilang mga NBA analyst na mapaisip, lilinisin na ba ng OKC ang kanilang roster para sumalang sa rebuilding mode?

Ayon sa Hoopshype, malaki ang tsansa sa rebuilding, at maging sa report ng ESPN ay sinasabing titingnan lang ng Oklahoma kung posibleng gumawa ng ingay ang bagong roster na wala si George, at kapag hindi naging epektib ay walisin nang kumpleto ang kanilang roster.

“The Thunder are comfortable embarking on a rebuild rather than trying to retool. But they will evaluate their options going forward, which include seeing what this team looks like with Westbrook leading the charge alongside Gallinari and Steven Adams, trade current pieces to try and add to the roster, or hit reboot on the roster completely and trade Westbrook. The last option appears to be the most likely scenario,” saad sa report ng ESPN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?