29
ABANTE pcso chairman peacemaker duterte
By

Itatalagang bagong PCSO chair, gagawing ‘peacemaker’ – Palasyo

Sharing is caring!

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maayos ang lahat ng gusot sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa sandaling italaga ang bagong Chairman ng ahensiya.

Sa harap na rin ng resignation noong nakalipas na linggo ni dating PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz dahil umano sa isyung pangkalusugan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na batid ng Pangulo ang nangyayaring gusto ngayon sa ilang opisyal ng PCSO kaya nais nitong maging maayos ang lahat sa pag-upo ng bagong Chairman.

Ayon kay Roque, aatasan ni Pangulong Duterte ang susunod na PCSO Chairman na ayusin ang lahat ng gulo sa PCSO partikular sa pagitan nina PCSO general Manager Alexander Balutan at PCSO board member Sandra Cam.

“The President is about to appoint a new Chairman, after Chairman Corpuz resigned due to health reasons. What I do know is he will ask the new Chairman to make sure all squabbles within PCSO will be settled,” ani Roque.

Matatandaang nag-ugat ang iringan sa pagitan nina Cam at Balutan nang mabunyag ang magarbo at magastos umanong christmas party ng PCSO na ginastusan ng anim na milyong piso.

Tahimik naman si Roque kung may ginagawang imbestigasyon ang Office of the President sa nabanggit na magarbong Christmas party maliban sa ikinakasang imbestigasyon ng kongreso. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?