13

By

Italian women’s team sa Pinoy fans: Thank you!

Sharing is caring!

Buong puso ang pasasalamat ng Italian women’s team sa mga Pilipino dahil sa pinakita nitong suporta at pagmamahal sa kanila matapos nilang mauwi ang titulo sa FIBA 3X3 World Cup kagabi sa Philippine Arena.

Sa pagsisimula pa lamang ng torneo ay ‘crowd favorite’ na Italian team at nang makapasok ito sa championship round ay sinuportahan sila nang husto ng mga Pilipino.

Dumagundong ang sigawan at hiyawaan sa loob ng arena ng tuluyang talunin ng Italy ang Russia, 16-12, para maiuwi nito ang titulo.

“Thank you for coming out, for driving here. Thank you for filling the stadium Monday night, Tuesday night. You guys probably working all day. You guys probably have stuff to do, and you decided to come out to support 3×3. We want to say thank you,” ani league’s MVP Rae Lin D’Alie.

Dagdag ni D’Alie na masaya siya at kanyang teammates sa suporta at pagmamahal na ibinagay sa kanila ng mga Pilipino lalo na nung championship round kontra Russia.

“I think if you just love people and just spread light, it’s gonna come back. It’s just like energy – you feed off on one another,” dagdag niya. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?