By

Isyung pangseguridad, sentro ng talakayan sa ASEAN

Sharing is caring!

Sumentro sa isyung pangseguridad ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Sinabi ng Pangulo na ang terorismo at violent extremism ang banta sa kapayapaan, katatagan at seguridad ng rehiyon dahil walang pinipiling lugar at pagkakataon ang mga ito.

Sa isyu naman ng pamimirata, sinabi ni Pangulong Duterte na nagiging balakid ito ng pag-unlad dahil nabubulabog ang katatagan sa kalakalan hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo.

Ang iligal na droga naman, ayon sa Pangulo, ay patuloy na banta sa lipunan at ang mga isyung ito ang magiging agenda ng kanilang magiging mga pulong sa loob ng dalawang araw.

“Terrorism and violent extremism endanger the peace, stability and security of our region because these threats know no boundaries. Piracy and armed robbery, [inaudible] put a dent on our growth and disrupt the stability of both regional and global commerce. The menace of illegal drug trade continues to endanger the very fabric of our societies.

“These and other issues are high on the agenda of our meetings along with the other non-traditional security issues that challenge the prosperity of our economies, the integrity of our institutions, and more importantly, the safety of our people,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Kasabay nito inanunsiyo ng Pangulo na nagkasundo ang mga lider ng ASEAN na palakasin ang proteksiyon at maayos na pagtrato sa mga migrant workers.

“I am pleased to announce that ASEAN member states have come to an agreement on the ASEAN consensus on the protection and promotion of rights of migrant workers. I will be joining other ASEAN leaders tomorrow in signing this landmark document that would strengthen social protection, access to justice, humane and fair treatment, and access to health services for our people,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?