18

By

Isyuhan na ng warrant of arrest si Imelda – Sandiganbayan

Sharing is caring!

Dahil hindi pa rin sumisipot si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos sa pagdinig sa kanyang kaso, inatasan na ng Sandiganbayan Fifth Division ang mga awtoridad na bigyan na ng warrant of arrest ang akusado.

Sa ipinalabas na order ng Sandiganbayan, ipinahayag nito na wala pa rin sa pangalawang pangangalampag si Marcos at kanyang counsel na si Atty. Robert Sison sa korte.

Ito ay kaugnay ng pitong counts ng graft sa Criminal Case Nos. 17287, 17288, 17289, 17290, 22867 at 22869.

Ang nasabing order ay pirmado ng tatlong Associate Justice na sina Maryann E. Corpus-Mañalac, Maria Theresa V. Mendoza-Arcega at si chairperson Rafael R. Lagos.

Kaya naman tinanggal na ng Sandiganbayan ang bail bond ng 89-anyos na si Marcos at binigyan ng 30 araw para makapagpaliwanag sa pagbawi ng bond.

“On motion of the prosecution and considering the absence of the accused and her counsel appears to be unjustified, the bonds posted by the accused in the cases where she was convicted are ordered forfeited and the accused is given thirty days from today to explain why no judgment on the bonds should be issued.

Let a warrant of arrest be issued against the accused,” parte ng naging order ng Sandiganbayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?