19

By

Isyu sa South China Sea pag-uusapan sa 33rd ASEAN summit

Sharing is caring!

Inaasahang matatalakay sa 33rd Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit sa Singapore ang isyu sa South China Sea.

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Assistant Secretary Junever Mahilum-West sa ginanap na pre-departure briefing sa Malacañang.

Ayon kay West, ang Pilipinas ang coordinator sa ASEAN-China Dialogue Partnership hanggang 2021 kaya aasahang matatalakay sa summit ang isyu.

Gayunman, hindi masabi ng opisyal ang mga detalye sa pag-uusapan, pati na ang tungkol sa pag-install ng weather system ng China sa mga pinag-aagawang isla.

“We are quite sure that the South China Sea would be one of those regional developments that would be taken up in the summit, but as to the detail of the discussions, I cannot say,” ani West.

Naunang inihayag ng Palasyo na kinukumpirma pa ng Department of National Defense ang sinasabing weather system na itinayo ng China sa mga pinag-aagawang isla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?