66

By

Isyu sa South China Sea, itsa-puwera sa ASEAN Summit

Sharing is caring!

Aasahang hindi mauungkat sa mga pagpupulong ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit ang isyu sa South China Sea at hindi kokomprontahin ang China sa ginagawang aktibidad sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa ASEAN Business Investment Summit (ABIS) 2017 na mas mainam na hindi matalakay ang nabanggit na isyu dahil walang may gustong magkaroon ng digmaan.

Kahit aniya ang mga makapangyarihang bansa tulad ng Russia, China , Great Britain at Estados Unidos ay hindi gugustuhing magkaroon ng komprontrasyon.

Sa ngayon aniya ay ang China nangungunang economic powerhouse kaya’t dapat na maging kaibigan ito.

“Today China is the number one economic powerhouse and we have to be friends.There’s a… the other hotheads would like us to confront China and the rest of the world for so many issues. The south china sea is better left untouched.
Nobody can afford to go to war, either the big powers Russia, China,Britain or the United States, it can ill- afford a violent confrontation. it does not have the luxury or the option of war and violence,” pahayag ng Pangulo.

Ikinuwento ng Presidente ang naging pag-uusap nila ni President Xi Jinping noong Sabado ng gabi sa Vietnam kung saan nagkasundo ang mga ito na magtulungan at iligtas ang buhay ng kanilang mamamayan sa halip na mag-away.

“My last bilateral… and I had to wait for 2 hours because President Xi Jinping was busy with the other countries talking.We agreed, and he agrees and he said ‘If you are President Duterte and you want to preserve the lives of the Philippines, then as President of China, I want to save lives. I do not waste the lives of my countrymen for a useless war that cannot be won by anybody”. He made it clear to us that the only way to go is cooperation,” sabi pa ni Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?