mpbl
By

Isyu sa Fil-foreigners pinaplantsa ng MPBL

Sharing is caring!

Ipinasusumite ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa mga koponan ang mga dokumento ng kani-kanilang Fil-foreign player na magpapatunay na eligible silang maglaro sa liga.

Inanunisyo ito ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes kasama ang legal counsel ng liga na si Atty. Brando Viernesto announced this at the height of the hotly discussed Fil-foreign ruling of the league which allows a team only one Fil-foreign player with a height limit of 6-4.

“Marami tayong nababalitaan (about) Fil-Ams, kaya tayo nag-set ng guidelines sa Fil-foreigners para pa rin sa vision ng liga natin. Giving chance sa mga homegrown and local players natin. Yun naman ang vision ng ligang ito. Hindi naman natin sinasabing bawal sila totally, kaya nga binibigyan natin ng one Fil-foreign player each team sa ngayon. Wala pa naman tayong isang taon. MPBL has set the guidelines,” sabi ni Atty. Viernesto.

Ilan sa mga puntong nakapaloob sa guidelines na binanggit ni Atty. Viernesto ay ang mga sumusunod: “Fil-foreign players should have a two-year residency sa Philippines/Or should have played college in the Philippines. At least one of their parents should be natural born citizen. They should have a Philippines passport. At least 18 years of age.”

Isang Fil-foreign player na inaabangan ng marami kung maaaring maglaro sa liga si Ray Parks, Jr., anak ni seven-time PBA Best Import awardee Bobby Parks, na isang Amerikano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?