76

Isyu ni Trudeau sa human rights, nakakainsulto – Duterte

Sharing is caring!

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangang magpaliwanag kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau na kumukuwestiyon sa estado ng karapatang pantao sa bansa sa gitna ng kanyang giyera kontra droga.

“I said I will not explain. It is a personal and official insult. That is why you hear me throwing down epithets, curses, nagmumura, bullshits, and everything because it angers me,” pahayag ni Duterte sa isang press conference noong Martes ng gabi.

“When you are a foreigner, you do not know exactly what is happening in this country. You do not even investigate… I said, ‘Why don’t you investigate first and find out the truth?’” dagdag nito.

Kahapon, inungkat ni Trudeau kay Duterte ang isyu ng extrajudicial killings (EJKs) sa bansa. Aniya, naging bukas naman umano si Duterte sa kanyang mga komento tungkol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?