scarborough1
By

Isyu ng soberenya sa Scarborough Shoal, ‘di kasama sa dinisesyunan ng PCA

Sharing is caring!

Sino nga ba ang may soberanya sa Scarborough Shoal?

Ang isyung ito ay hindi kasama sa dinesisyunan ng Permanent Court of Arbitration (PCA) kung saan nagsulong ng protesta ang Pilipinas laban sa ipinatupad na fishing moratorium ng China sa mga Pilipinong nais mangisda sa Scarborough Shoal noong 2012.

Ayon sa PCA, limitado lamang ang kanilang hurisdiksyon kaya hindi nila dinesisyunan ang isyu ng sovereignty sa Scarborough Shoal na parehong iginigiit ng Pilipinas at China.

“The tribunal has refrained from any decision or comment on sovereignty over Scarborough Shoal,” ang bahagi ng desisyon ng PCA.

Gayunman, pinaburan ng international tribunal ang posisyon ng Pilipinas na ang Scarborough Shoal ay walang tinatawag na exclusive economic zone entitlement.

Idineklara kasi ng tribunal na salig sa Article 121 paragraph 3 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang high-tide features ng Scarborough Shoal ay mga bato.

Alinsunod pa sa nasabing probisyon, tinukoy ng international tribunal na dahil kumbinsido silang mga bato ang Scarborough Shoal, hindi nito kayang sumuporta sa human habitation o economic life kaya wala itong entitlement sa economic zone o continental shelf.

“However, under Article 121 (3) of the Convention, the high tide features of Scarborough Shoal are rocks that cannot sustain human habitation or economic life of their own and accordingly shall have no exclusive economic zone or continental shelf,” saad ng PCA sa desisyon nito noong July 2016.

Pero ang isyu umano ng karapatan sa pangingisda ay hindi nakadepende sa isyu ng kung sino ang mas may soberanya sa lugar.

Ayon sa international tribunal, ang mga Pilipino, Vietnamese at Chinese ay mayroong traditional fishing rights sa Scarborough Shoal.

Kaya naman ang ginawa umano ng China noong May 2012 na pagbabawal sa mga Pilipinong mangisda sa Scarborough Shoal ay hindi umano ligal at hindi makatwiran dahil ang ka-hidwaan noon ng China sa nasabing teritoryo ay ang gobyerno ng Pilipinas at hindi naman ang mga Pilipinong mangingisda na ang ikinabubuhay ay ang tradisyunal na pangingisda sa Scarborough Shoal.

“…the Tribunal finds that China has, through the operation of its official vessels at Scarborough Shoal from May 2012 onwards, unlawfully prevented Filipino fishermen from engaging in traditional fishing at Scarborough Shoal,” deklara ng PCA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?