25

By

Isyu ng ‘Rev Gov’ tapos na – Roque

Sharing is caring!

Wala nang dapat pang pag-usapan hinggil sa revolutionary government ngayong tapos na ang Nobyembre 30.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang inilunsad na rally ng mga pro-Duterte supporter noong Bonifacio Day para igiit at hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ng revolutionary government.

Sinabi ni Roque na malinaw ang sinabi ng Pangulo na kung hindi naghihingalo ang gobyerno ay walang dahilan para magdeklara ng revolutionary government.

“Ngayong tapos na ang a-trenta ng Nobyembre sana naman eh matigil na iyang usaping rev gov dahil kung iyon na nga ang sinabi nila kinakailangan daw ng deklarasyon ng a-trenta ng November, hindi nangyari. So tapos na po iyan. Hindi na po iyan ang isyu. Ang sabi ng Presidente, kung hindi naman naghihingalo ang gobyerno, hindi kakailangalin ang rev gov,” ang pahayag ni Roque.

Sinabi ng kalihim na nakapagpataas ng popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 80% at baka tumaas pa ngayong Disyembre na ang ibig sabihin lamang ay suportado at gusto ng mga tao ang ginagawa nitong pagpapatakbo sa gobyerno.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na ayaw niya sa revolutionary government at magdedeklara lamang ito kung sakaling palubog na ang gobyerno dahil sa kagagawan ng mga taong walang mandato sa taumbayan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?