289

Jul 17, 2019 @ 21:53
By

Isyu ng pagiging bakla, sinagot ni Dwight Howard

Sinagot ni Dwight Howard ang alegasyon sa isinampa sa kanyang lawsuit na bakla siya.

Sa pag-guest niya sa “Fair Game”, sinabi niyang, “I went through a situation last year that kind of just set me free.”

Tinutukoy ni Howard ang kaso na inihain ng isang Masin Elije, na nagsabing nagkaroon siya ng sexual relationship dito at tinakot umano niya na huwag itong ilalantad sa publiko.

Dahil dito, nakaramdam ng “tremendous amounts of emotional pain” si Howard at diretsahang sinabing, “I’m not gay.”

Iginiit din nito na kailanman hindi niya nakilala si Elije at wala siyang idea kung bakit nagsisinungaling ang lalaki.

“It upset me because I didn’t even know who the person was. Why would somebody who I’ve never met, never had any contact with make up a whole story about me?” wika ni Howard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?