18

By

Isyu ng human rights, huwag haluan ng pulitika – DFA

Sharing is caring!

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na patuloy na pinagtitibay ng Pilipinas ang mga hakbangin para matiyak na inirerespeto ang mga karapatang-pantao sa bansa.

Sa huling pagpupulong ng ASEAN Human Rights Commission kahapon, sinabi ni Cayetano na hindi dapat nababahiran ng kulay-politika ang pagbibigay proteksyon sa mga karapatang pantao.

Sa pulong ng mga kinatawan ng 10-member ASEAN State at ASEAN Secretariat, inilatag ni Foreign Affairs Asec. Leo Lim ang pagpapatupad ng human rights priority programs na unang nasimulan noong 2014.

Sinabi ni Lim na sa pangunguna ng Pilipinas, natalakay ang mga hakbangin para mapagtibay din ang pagrespeto sa mga karapatang-pantao maging sa pribadong sektor.

“We hope that our interface with the ASEAN’s Economic Community can be held regularly and we can have concrete collaboration with them on how to apply the rights-based approach in the business sector,” ani Lim.

Kabilang naman sa mga prayoridad ng komisyon ang pagtutok sa mga karapatan ng mga bata maging ng mga taong may kapansanan, ang mga karapatan ng mga babae na naapektuhan ng kalamidad at ang pagpapatupad ng ASEAN Convention Against Trafficking in Persons. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?