153

Isyu ng EJK inungkat ni Trudeau kay Duterte

Sharing is caring!

Inihayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau kanina, Martes, ang usapin tungkol sa extrajudicial killings (EJKs) sa Pilipinas kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang press conference kanina sa International Media Center, sinabi ni Trudeau na nagkaroon siya ng pagkakataon na kausapin si Duterte bago ang ASEAN-Canada 40th Anniversary Commemorative Summit.

Ipinahiwatig diumano niya kay Duterte “people-to-people ties” sa pagitan ng Canada at Pilipinas

“But I also mentioned human rights, rule of law, and specifically, extrajudicial killings as being an issue Canada is concerned with,” anang Canadian Prime Minister.
Pero giit nito hindi naman aniya dapat ipagtaka kung bakit niya nabanggit sa pangulo ang kontrobersiyal na isyu.

Tinanggap naman umano ni Duterte ng maayos ang kanyang komento sa isyu ng extra-judicial killing sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?